Home Balita Terminal ng bus na galing sa probinsya lilipat mula Quezon City patungo...

Terminal ng bus na galing sa probinsya lilipat mula Quezon City patungo sa Valenzuela

506
0

Simula sa ika-15 ng Agosto, lahat ng provincial bus terminal sa Quezon City ay ililipat na sa interim terminal na nasa Valenzuela City bilang parte ng paglunas sa lumalalang problemang trapiko ng bansa.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia ang pag lipat ng nasabing mga terminal ay makaktulong upang lunasan ang trapik sa bansa, lalo na sa nasabing lugar ng Quezon City.

Dagdag ni Garcia ang nasabing paraan ay magbibigay daan din upang ang mga motorista ay gumamit ng pampublikong sasakyan.

Sinabi din ni Bong Nebrija, MMDA supervising operations officer, na mahigit siyam na kumpanya ng bus o mga 298 buses ang kayang bigyan ng espasyo ng interim bus terminal sa Valenzuela.

Ang Valenzuela City interim bus terminal ay may lawak na limang ektarya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

4 + seven =