Home Maritime News PPA nagdiwang ng ika-44 na anibersaryo

PPA nagdiwang ng ika-44 na anibersaryo

154
0

Ipinagdiwang ng Philippine Ports Authority ang ika-44 nilang anibersaryo ngayong buwan at ipinagmalaki nito na mayroon silang malaking puhunan upang makamtan ang kanilang company vision sa taong 2020.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago, nakatuon ang kanilang mga proyekto sa malawakang containerization ng pambansang pantalan at mayroon ding gagawing back up na lugar para dito; ligtas at amginhawang Passenger Terminal Buildings (PTBs); pagtataas ng antas at paggawa ng cruise terminals sa mga mahahalgang lugar sa bansa.

Ang hakbang na ito ay sinasabing ayon sa utos ng Pangulong Duterete na makamtan ang golden age ng imprastraktura upang maging makasabay sa mga katuwang na pantalan mula sa ibang bansa.

Ito rin ay kaakibat sa isa sa mahalagang programa ng International Maritime Organizaiton (IMO) upang magtayo ng modernong pantalan.

“Pinag utos ni Presidente Duterte at Kalihim ng Transportasyon na si Arthur Tugade na kailangan ang pagpopondo sa pagpapaganda ng mga pantalan base sa global standards sa taong 2020,” ayon kay Santiago.

Pinagmalaki ni Santiago na simula pa lamang ng 2018, lahat ng proyekto ng PPA ay direktang nakatuon sa paggawa ng modernong pantalan. Pinag-utos din niya sa lahat ng contractors at suppliers na tapusin ang proyekto sa tinakdang oras.

Sianbi din ni Santiago na naglaan ang PPA ng P6 Billion upang mapondohan ang locally-funded projects (LFPs) kung saan gagawin ito sa 109 na pantalan, 46 mula sa Luzon, 23 sa Bisayas at 40 sa Mindanao.

Para sa proyekto sa Luzon, mayroon nang siyam (9) na pantalan ang natapos at nasa 18 pa ang patuloy na gigagawa at meron pang 19 na naghihintay ng pagdating ng mga gamit. Samatnalang anim (6) na ang natapos sa Visayas, 10 ang kasalukuyang ginagawa at lima (5) ang naghihintay pa ng mga gamit. Ang Mindanao ang nakapagpatala ng pinakamalaking proyektong natapos na nasa 21, 49 ang kasalukuyang ginagawa at 35 ang naghihintay ng mga gamit.

Kasalukuyan din na sinusuportahan ng PPA ang cruise industry at nagtatayo g international hubs sa mga cruise liners sa Surigao, Ilocos Norte, Bohol, Boracay, Metro Manila at Palawan. Sinasabing ang mga pook na ito ay tinuturing na major nautical cruise arteries. Kasabay ng pagtatayo ng modernong pantalan ay mga cruise terminals para dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

five + 5 =