Home Features English teachers ipapadala sa China, ayon sa DOLE

English teachers ipapadala sa China, ayon sa DOLE

484
0

Mga Pilipinong gurong nagtuturo ng English ay nakatakdang ipadala sa China sa susunod na buwan, ayon kay Kalihim Silvestre Bello III ng Kagawaran ng Paggawa.

Paliwanang ni Bello na hinihintay lamang nila matapos ang ginagawang mga patnubay sa pagkakaroon ng government-to-government hiring.

At habang tinatapos ang mga patnubay, hinihimok ni Bello na ang mga interesado pang magtrabaho sa China ay magtungo sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang isumite ang kanilang mga aplikasyon.

Sinabi pa ni Bello sa mga interesadong aplikante, ang kanilang aplikasyon ay maari nang ayusin at kapag natapos na ang mga patnubay, sila ay madali nang maipapadala sa China.

Nagbabala si Bello na ito ay isang inayos sa gitna ng dalawang gobyerno ng China at Pilipinas, at hindi dapat dumaan sa recruitment agency ang mga aplikante.

Nangangailangan ng 2,000 Filipinong guro ang China para sa programang ito.

Maganda din kung ang mga aplikante ay marunong ng salitang Chinese.

Ang sweldo sa nasabing posisyon ay nasa $1,400 hanggang $1,600 o nasa P74,200 hanggang P84,400.

Ang nasabing posisyon ay may dalawang taong kontrata na maaring i-renew. Hindi malinaw kung meron limitasyon sa edad ng aplikante, hindi ito direktang sinagot ni Bello at sinabi lamang na dapat magaling silang magturo at marunong din magsalita ng Chinese.

Matatandaang nuong Abril ngayong taon ay pumirma ng Memorandum of Understanding on the Employment of Filipino Teachers of English Language in China sina Bello at Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

four + 9 =